Open sa lahat ng Pilipino (Lalaki at Babae). Lahat ng events ay Singles.
• Veterans 45+ – Para sa mga manlalarong ipinanganak noong o bago ang August 29, 1981 (dapat ay 45 taong gulang pataas pagsapit ng August 29, 2026).
• Class A+ – Professional Players at Former Class A Players, Top 4 finishers ng Class B+ sa UAE All Pinoy Table Tennis Tournament 2025.
• Class A – Semi-Pro Players, Former Class B+ Players, at Top 4 finishers ng Class B sa UAE All Pinoy Table Tennis Tournament 2025.
• Class B – Intermediate Players at Top 4 finishers ng Class C sa UAE All Pinoy Table Tennis Tournament 2025.
• Class C – Beginners.
Rehistrasyon
Huling Araw ng Pagpaparehistro: Agosto 15, 2026
Bayad sa Rehistrasyon: AED 100 bawat kategorya
Kasama sa Bayad: Opisyal na Souvenir T-Shirt ng Tournament
Magparehistro sa: www.tabletennis-center.com
PINGPONGERO UAE ALL PINOY TABLE TENNIS TOURNAMENT 2024-2025
MGA PAPREMYO
Kampeon
• Espesyal na Tropeo o Plake
• Gintong Medalya
• Cash Prize
Unang Pangalawa (1st Runner-Up)
• Espesyal na Tropeo o Plake
• Pilak na Medalya
• Cash Prize
Ikalawang Pangalawa (2nd Runner-Up)
• Espesyal na Tropeo o Plake
• Tansong Medalya
• Cash Prize
FORMAT NG PALARO
Unang Yugto – Group Stage
1. Gagamitin ang Round Robin System na may 4 hanggang 5 manlalaro bawat grupo.
2. Ang unang dalawang (Top 2) manlalaro sa bawat grupo ay uusad sa Knockout Stage.
3. Ang lahat ng laban sa Group Stage ay lalaruin sa Best of 3 Games.
4. Kung magtabla ang dalawang manlalaro, ang nanalo sa kanilang W-O-O match ang mangingibabaw.
5. Kung higit sa dalawang manlalaro ang magtabla, gagamitin ang Set Difference (kabuuang sets na napanalunan bawas sa kabuuang sets na natalo) upang matukoy ang ranggo.
6. Ang mga kwalipikadong manlalaro ay uusad sa Final 8, Final 16, o Final 32, depende sa dami ng kalahok.
Ikalawang Yugto – Knockout Stage
1. Ang mga qualifying matches sa Knockout Stage ay lalaruin sa Best of 3 Games.
2. Mula Quarterfinals hanggang Championship Match, lahat ng laban ay lalaruin sa Best of 5 Games.
MGA PANUNTUNAN
1. May karapatan ang Organizing Committee na baguhin o dagdagan ang mga patakaran kung kinakailangan upang mapanatili ang kaayusan ng torneo.
2. Sa anumang pagtatalo tungkol sa mga alituntunin, ang desisyon ng Tournament Director, mga Umpires, at UAE All Pinoy Tournament Committee ang siyang pinal at dapat sundin.
3. Layunin ng tournament na ito na hindi lamang magdaos ng isang matagumpay na kompetisyon kundi higit sa lahat ay isulong ang pagkakaibigan, pagkakaisa, respeto, at tunay na sportsmanship sa lahat ng kalahok.
4. Para sa anumang katanungan habang isinasagawa ang torneo, mangyaring lumapit sa Tournament Committee Desk.
PAALALA SA MGA MANLALARO AT TAGASUPORTA
1. Hinihiling sa lahat ng manlalaro at tagasuporta na iwasan ang labis na ingay at hindi kinakailangang paggalaw na maaaring makagambala sa mga kasalukuyang naglalaro.
2. Iwasan ang paggamit ng camera at mobile phone na may flash sa pagkuha ng larawan o video habang may laban upang hindi makaistorbo sa mga manlalaro.
PARA SA KARAGDAGANG IMPORMASYON
Marcelino Sicat
Tournament Orginizer / TTC CEO
050 366 7953
Dondon Banares
Tournament Director
056 665 8764
MABUHAY ANG LAHAT NG MANLALARO!
"Maglaro nang may Husay, Makipagpaligsahan nang may Respeto, at Manalo nang may Kababaang-loob."
Kita-kits sa Pingpongero UAE All Pinoy Table Tennis Tournament 2026!